zero
Career orientation namin kanina. Iniiwasan ko pa man ding pag-usapan ang mga bagay-bagay pagkatapos ng graduation. Pakiramdam ko kasi ang dami pang kailangang mangyari, marami-rami ring kailangan pang gawin bago ko kayang hayaan ang sarili na isipin iyon. Pero kanina, wala akong nagawa kundi pag-isipan iyon. Career. Saan ako magtratrabaho? Hay, kung sa thesis pa nga lang, tensed na 'ko.
Habang nakikinig sa sagot ng iba, pakiramdam ko, back to 0 talaga pagkagraduate. Nakakatakot. Tapos nakita ko pa si Allan kanina (medyo iniiwasan ko sanang makita siya dahil hindi pa ako gaanong nakakagawa ng thesis) at tinanong kung kelan ako pupunta ng ateneo. Sabi ko, kapag may 5 tula na ako. Nakagawa ako ng 2 nitong linggo. 3 pa.
Birthday ni Chris ngayon. Sinabi lang sa akin ni Jenny kanina. At nag-aaya pang sumama kami ni tabby sa Penguin ng 7:30. Ang catch: naroon sila lahat. Gusto na silang makita. At gusto ko sanang makita sila ngayon para puwedeng kay Ola ko na ibigay ang oras ko sa thursday pagbalik ko sa school para sa yearly x-ray ng mga undergrads. Sa malas, hindi ko na nakasabay kumain ng lunch si Ola kanina. Magkaiba kami ng Orient3 class at hindi sabay pinalabas para kumain. O well.. Sabi ko nga kay tabby, kundi lang ako pagod, aayain ko siya somewhere.
Kinakabahan ako. Kailangan ko nang matapos ang thesis ko. Kasabay ng paggawa/pagsulat kailangan ko nang isipin kung anong gagawin ko pagkatapos. Masyado akong nakatingin lang dito. Paano ako pagkatapos?

1 Comments:
hi nikka! ano ung career orientation? ORIENT3? ang hirap talaga mag-isip ng future kung yung present nga, di pa matapos-tapos. parang busy pa masyado ang utak para mag-isip ng possibilities, ng mga "wala pa dito/sa ngayon." good luck sa iyo! sa graduating ka na this term, no? sana makita ko naman kayo ni tabby one of these days. :) --> Eda
Post a Comment
<< Home