At last
Nung huli kaming nagkita ni tabby, pinahiram niya ako ng Laundry (Korean film) at natuwa ako sa panonood. Bagay na bagay sa thesis ko. Ang totoo, iyung huling scene lang. Personally, i appreciate it--'yung pagitan nila, o kahit anong pagitan/namamagitan na pisikal lang. Sa pagtatapos ng pelikula, lilipad ang mga ibon malapit sa tanke ng tubig. Natuwa ako sa eksenang iyon. Naisip ko, oo ganito tumawag. Ganito humuli ng pansin. Ang ibig kong sabihin, alam ng isa na titingin/titingnan ni mynx ang mga tanke ng tubig kaya nararapat lang na doon niya paliparin ang mga ibon. Hindi ko inaasahan iyon at napakagandang surpresa. Medyo mahina kasi mag-isip 'yung isa. Hindi ko inasahang makakaya niyang tumawag nang ganoon.
At may isa pang importanteng detalye: ang pagwagayway ng pulang bandila/tela para mapanatiling nasa taas, na lumilipad ang mga kalapati. Napansin ko rin iyon, medyo may katamaran ngang lumipad ang mga kalapati. Sa school, palagi silang nakadapo. Minsan, lumilipad rin sandali. Sa thesis ko, tuwang-tuwa ako sa ideyang kung saan ako nakatingin, naroon maging ako. Totoo naman talaga iyon, sa akin. Lately, habang iniisip kung anong gagawin ko sa buhay (dahil hindi na naman ako makapagsulat para sa thesis ngayon), napag-isip kong hindi laging totoo iyon. Halimbawa na lang, pinapansin ko ang mga commercials at print ads. May mga paborito pa akong commercials. Ngayon, nangunguna ang "thank-you, thank-you" ad ng Jolibee. Iyung may isang bata na pasalamat nang pasalamat sa mama niya. Hindi natin malalaman kung bakit hanggang sa ipakita sa huli ang kiddie-meal ng Jolibee. Nagagandahan din ako sa ad ng Sunsilk ('yung split-ends phobia). Marami pang iba.
Kapag naiisip ko talaga, napapansin ko lang naman sila. Hindi ko kaya ang mundo ng advertising (although susubukan ko rin siguro para hindi ko itatanong sa sariling "what if" sinubukan ko). Magulo doon, agawan ng ideas, at kung anu-ano pang kasibaan. Mamamatay ako nang maaga, kung magiging mundo ko iyon. Hindi ko kakayanin, baka malalang tachycardia (tama ba spelling?) na ang abutin ko. Kanina, habang naglalakad-lakad sa UP, naisip kong hindi naman sigurong kung anong napapansin ko, nandoon ako/ bahagi ng ako, at hindi rin siguro nangangahulugang doon ako dapat, di ba?
May binabasa nga akong libro ngayon. Gustong-gusto ko siyang basahin. Kahit napakalayo ng boses niya sa akin at alam kong hinding-hindi ko kakayaning magsulat ng katulad niya, o malapit sa kaniya. Kalokohan nga rin siguro ang pagtatangka kong ibahin ang boses ko para mapalapit sa kaniya. Para magkaroon ng "attitude" na kinaiinggitan ko sa mga tula niya. Naisip ko kasi, ang mga tula niya ang mga tulang babasahin ko nang paulit-ulit.
Kailangan ko na talagang tigilan itong paglayo sa sarili. Ang ibig kong sabihin, kaya siguro nagiging mahirap sa akin gawin ang thesis ko. Hanggang ngayon, mangilag pa rin ako. Maraming ayaw harapin. Kanina, noong hinarap ko ang mga gawa ko, napag-isip kong hindi naman sila pangit. Bakit ba ako napapangitan?
Pero labas sa usapan, iiwan ko na naman ang pagbloblog. Sa parehong dahilan, hanggang dito na lang.

4 Comments:
hi nikka!
tama. maganda naman na layuan ang sarili paminsan minsan. syet, nainggit ako sa Filipino mo. english+Filipino nalang:
this thing called distance, may it be distance from others or from yourself, really got me thinking. wala lang. kasi i've been doing that since highschool (buti college minsan na lang, kapag kelangan). anyway when you think about it when you distance yourself from yourself, automatic, others na rin. pag parati kang outside, hindi na rin siya masaya.
at ang weird rin no? ako rin, when i look at the old stuff that i wrote sobrang nasusuka ako pero hindi naman ganun kapangit. parang body waste, ang pangit tignan, mabaho, pero healthy naman yung act, pati puede pang fertilizer.
teka lang, ang haaaaba na. so yun, magkita ulit tayo, labas tayo o kung ano man. miss na namin ikaw pati yung batang kasama mo parati (hehehe, wag mong sasabihin kay tabby sinabi ko yun)
-karl
wow, nakakatuwa naman. hindi ko inaasahang ikaw ang nag-comment. marami pa sana akong idadagdag sa mga sinulat ko dito kaya lang nakapaglast post na ako. hay, medyo nabibitin nga ako. pero tinapos ko na, diba? hindi na ako puwedeng magpost dito. anyway, thesis ko naman ito. pabasa ko na lang sa 'yo pag tapos na. :)
or maglalagay na lang ako ng postscript dito sometime (about MMM). sayang, hindi ko alam na manonood kayo ng a very long engagement ngayon. pinanood ko nang mag-isa yun last tuesday (natakot at baka palitan nila ang palabas by wed). anyway, enjoy! :)
miss ko na kayo. pasensya na talaga, kailangan kong mapag-isa ngayon. pinagbigyan ko lang talaga si det last sat. nakakatawa, nandun ako hanggang 12pm (sun). hindi kami natulog. nakatalikod ako sa pinto kaya hindi ko namalayang umaaraw na (at tanghali na!).
hi nikka!!!
mukhang busy ka sa thesis.. o napipilitang maging busy sa thesis? hehe. i know u love what ur doing kaya alam ko din na nothing cud be "pangit" kung ginawa mo yon ng may buong.. hmm.. cnt find d word.. .. hilig.? hehe. lagi nalang.. nkakainis.. lagi nalang ako nawawalan ng salita.. (mgandang blog entry cguro un.) anyway, nikka, npanood mo ung long engagement.. bat d moko inaya?? alfie npanood mo na? tara!
another thing.. what the hoolabooshiewishiees is "tachycardia'?? ala lang, na-curious ako. heehee.
ola, naalala mo last year nung medical test ko at hindi ako pumasa dahil masyado raw mabilis heartbeat ko? tachycardia raw ang tawag dun, caused by stress, etc.
Post a Comment
<< Home