Tuesday, January 04, 2005

2004

heto na, dahil may mga humiling.

alam kong 2005 na ngayon (kahit nagkamali akong isulat na 2004 sa cheque noong enrollment) pero may mga huling hirit lang ako (2004 pa naman sa mga tsino!). ang totoo niyan, masayang-masaya ako ilang saglit pa bago sumapit ang 2004. talagang inabangan ko. malupit kasi ang 2003 (at least sa akin). napakaraming nangyaring hindi ko akalain (i don't mean this in a good way). iyon ang taong natuto akong magduda at pagdudahan halos lahat. parang ang hirap magtiwala. entonces, naging mailap ako sa marami. iniwasang makipagkaibigan at iniwan/iniwasan rin ang mga naging kaibigan--liban sa iilan (mabibilang sa isang kamay).

naalala ko nga noong minsan, hiniram ni pau ang cell ko. hindi na niya napalitan ng sim. pag-uwi niya, lumapit siya sa akin at halos ibinulong: walang nagtext sa 'yo. Saka inihirit--halos sermon--na makipagkaibigan naman ako. natawa na lang ako sa kaniya. hindi ko naman kailangan ng maraming kaibigan.

nitong nagdaang taon--hindi naging madali--pero nakaya ko na rin (sa wakas!) na maging bukas sa iba. nagawa ko nang makipagkaibigan uli, magpatawad, magtiwala. there. mas okay pala.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home