Monday, December 06, 2004

yes/no

Napagod ako kahapon. Binyag ng anak ni Jing. Pumunta kami (ako, Egay, Joseph, Vim, at Ma'am Beni) at pakiramdam ko, medyo (understatement!) napilitan lang talaga sa pagpunta. Sabi ko noong September, ayoko nang ma-late. Kaya sinusubukan ko talagang sumunod sa oras simula noon. Dumating ako, halos sabay lang ni Ma'am Beni. Wala pang isang minuto ang pagitan. Naisip ko, buti naman, nakakahiya kung lumagpas ako sa minutong iyon. Hindi ko na sinabi na muntikan na akong mahuli dahil iniisip ko kung ipapaphotocopy ko na ang thesis proposal ko sa UP. Nahihiya kasi akong dalhin. Baka makita pa nila. Matagal akong nakaupo sa table, kinukuha at ibinababa ang mga papel. Ilang ulit pa, iniwan ko na rin.

Pag-uwi sa bahay, pumunta rin akong UP (pagkatapos ng isang oras ring pag-iisip [uli] kung ipapakopya ko na). Pinakopya na ang mga dapat ipakopya. Pagkauwi (uli!), binasa ko. Noon ko na lang uli nabasa. Ang pangit! Naiinis ako noong binabasa ko. Hindi ko alam kung katulad ito ng iba ko pang naisulat na napapangitan lang ako pagkatapos ('yung tipong ilang araw pa lang pagkatapos ko sila magawa at di ako makapaniwalang natuwa ako sa kanila). Ang pangit talaga.. Hay, wala na akong magagawa. Kailangan kong ipasa iyon. Ilang minuto mula ngayon, na kay nila Ms. Marj na ang pangit na iyon. Hay..

* *

Kakatapos lang ng quiz sa stat101. Sana pumasa! :)

1 Comments:

At 1:47 PM, Blogger dyeproks said...

be nice to those u have created daw hehe :)

Post a Comment

<< Home