Tuesday, November 30, 2004

Automat ni Edward Hopper

Dahil wala na ako dapat doon noon, inabutan nila ako ng libro. (Ang galing! Paano nila nalamaan?) Heto ang nabasa ko:



Automat is a picture of sadness--and yet it is not a sad picture. It has the power of a great melancholy piece of music. --Alain de Botton, The Art of Travel

Naisip ko, yes this is not a sad picture. But being in a cafe myself...

**

Tinapos ko nung linggo ang intro ng thesis ko. Mga 4am, bumaba ako para kumain muna bago matulog. "O, ba't ang aga mo nagising?" "Hindi, hindi pa ako natutulog." At mukhang ako dapat ang nagtanong kung bakit ang aga niyang nagising. Hindi ko na sinabi na kahapon, nagising ako ng ganitong oras. Nag-isip. Bumalik sa kama at nagising ng hapon.

**

Kailangan ko na talagang magpatingin uli sa mata. Kapag hindi talaga nadala sa gamot, kapag handa na ako, ipatatanggal ko na. Although ayoko sa opthalmologist na tumingin sa akin. Marami siyang di nakikita. Nakakainis! Mukhang hindi naman ito kuliti. Mali pa ata nang binigay na gamot sa akin.


0 Comments:

Post a Comment

<< Home