what it was
i.
kanina ko lang nalaman iyung kay tere. ang nakakatawa, alam na ng buong lit dept. mukhang huling-huli na naman ako sa balita. kasabay noon, bumalik sa akin ang halos parehong takot/kaba ko noong lunes. natatandaan kong lakad ako nang lakad noon. ni hindi ako makausap nang matino ni tabby at nagbitiw lang ng tatlong salita. "punta akong 7-11."
hindi na nga niya nasabi kung saan ko siya makikita pagkatapos. ayoko ng ganitong nahaharap sa maraming pagdududa. ano bang kailangang sabihin ko? marahil, dahil lagi na lang akong tahimik. pero may hangganan ang mga sinasabi.. mahalaga sa akin iyon kahit mukhang hindi. may isinulat na nga ako tungkol doon (as testimony?). hindi pa ba sapat? (yes, when is it enough?) umabot na ko sa gokongwei, bumalik sa sj, nakailang akyat-baba sa magkakaibang hagdan, dalawang daan rin sa mga bench bago umupo. at kahit ilang sandali pagkatapos umupo nalaman kong wala akong dapat ikatakot, para akong maiiyak. at noong dumating si tabby para ibalitang 15 na lang ang kailangang tula sa thesis at hindi na 30 (noon ko lang nalaman na matagal-tagal na rin pala akong naglalakad-lakad; nagawa na niya ang 1-page paper na hiningi ni ms marj, nakapagpaprint at nakapag-usap pa sila), hindi ko pa rin alam kung paano tatanggapin ang mabuting balita.
**
hindi ako pumasok kahapon. 530 na ng umaga ko nalamang may pasok pala hanggang 4pm. masaya siguro kahapon. hindi ko kasi alam. kung alam ko, pumasok ako.
p.s.
saka ko na lang isusulat iyung ii at iii.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home