Nadadala..
Kapag iniisip ko ngayon, hindi ko alam kung bakit hindi ako pumunta noon. Halos ipagtulakan na nga ako. Kahit na biglang hirit ng "hindi ka namin 'tinataboy.." Siguro, masyado kasi akong pagod noon. Totoong ang layo ng nilakad ko. Mula sa MRT3 ng Katipunan, malayu-layong lakad pala iyon sa mismong ateneo. Pagkatapos, kinailangang maglakad uli hanggang tapat ng miriam. Kaya siguro sobrang bangag ko nun.
Kapag iniisip ko ngayon, parang lagi naman akong bangag lately. Noong kinausap ako ni allan tungkol sa thesis, noon ko nalamang hindi pa pala malinaw sa 'kin ang gusto kong gawin (at halos hindi na rin ako makausap nang matino). Pag-uwi ko sa bahay, hinarap ko ang mga nasulat ko: saan ba kayo papunta?
Wala akong nagawang school work noong weekend sa kaiisip. Parang hindi ko kayang gumawa kung hindi ko lilinawin (kahit sa isip) ang gusto kong gawin. Nagulat ako noong malaman ang mukhang pinupuntahan ng mga sinulat ko. Matapos silang pagsama-samahin, hindi naman pala sila ganoon ka-sabog. Ang totoo, halos magkakalapit sila. Ang nakakatawa, matagal ko nang sinasabi na hindi ako nagsusulat tungkol sa akin. Pero noong magkakasama na sila, nababasa ko ako.
Hindi sila magaling maglihim. Ang dami nilang sinabi sa akin na tungkol sa akin. Mga bagay na noon ko lang rin nalaman. Kanina, nakasalubong ko si J.O. at sinabi kong nahihirapan ako sa thesis, hindi dahil hindi ko alam kung anong gagawin kundi dahil hindi ako sigurado kung okay lang ba sa akin.. Sabi ko sa kaniya, mukhang kailangan kong mamili kung magpapadala ako sa kanila o ako ang magdidikta ng pupuntahan namin. Hangga't hindi nagiging malinaw ang sagot, hindi ko magagawan ng arch ang thesis ko. Pero paano ito? Parang ako ang less privileged. Ayoko sanang sumunod sa kanila.
Inihirit ko pang alam ko kung saan sila nanggaling. Kung tutuusin, medyo nakakahiya. Napakasimple lang naman ng nangyari. At thesis ko na iyon? Ganoon ba kalala ang naging epekto sa akin noon na kinailangan ko silang masulat? Ang labas niyan, hindi nalalayo sa sinabi ni Goethe, "fragments of a great confession." May inihirit pa si Valery, "Everything that counts is well veiled."

1 Comments:
hehe, nikka.. kaya mo yan.
you always know what to do, in the end.
ano ba yung "nkaapekto sayo" ng sobra.. hmmm..
kung willing ka mag-share.. am always just a call or text away.
/nababasa ko /ako/
ganda nung line..
Post a Comment
<< Home