Grass
Pinag-uusapan nila sa klase ang House of the Flying Daggers at narinig kong may nag-comment: draggy! May isang eksena doon na ayaw na ayaw niya. Sabi niya, "ano 'yun? pagkatapos nilang mag-do nakahilata sila sa grass at nakatingin sa ulap, not even touching, talking? yes, a little." Nilingon ko siya agad. Kagrupo ko pala sa antony&cleo seatwork. Doon na nagsimula ang pag-uusap namin ni tabby tungkol sa pananatili. Ang totoo, pinakinggan lang niya ako. Ako lang talaga ang masyadong naapektuhan sa narinig.
Habang may nagrereport, tinanong ni Ms. Wright ang reporter: So why does she (cleopatra) flee? Nakakatuwa! Hindi na dahil sa play ni shakespeare kundi dahil hindi ito nalalayo doon sa narinig ko kanina. Although mukhang magkalayo. Related ang dalawang statement.
Dati, gusto kong panindigan na kung saan ka nakatingin, maaaring naroon ka talaga. Bale sumasabay sa nararating ng dalawang bolang itim. :) Lately, parang mas natutuwa ako sa anti-thesis noon. Minsan, hindi ka naman nawawala. Wala ang pagnanais na mawala kung nasaan ka--kahit totoong sa malayo nakatingin. Halimbawa na lang doon sa pelikulang nabanggit sa taas, tingin ko, it was necessary.
At alam ba naman niya ang pakiramdam ng nakahiga sa damo? Noong grade school ako, pagkatapos ng general rehearsal para sa family day--sa sobrang pagod--nahihiga kami sa damo. Naalala ko pa ang sinabi ko noon kay sheena (bestfriend ko noon at di ko na alam kumusta siya ngayon): Ang sarap palang humiga sa damo. Parang nawawala lahat ng pagod ko.. Kahit na matagal na matagal na iyon, isa iyon sa mga malinaw na alaala ko noong bata pa ko.
May ipinabasa pa si Cirilo sa amin dati tungkol sa grass. "That man, I wish him well. I wish him grass." Kaklase ko pa siya sa klase na iyon. Hay!
Ang nagustuhan ko sa eksenang iyon, napakita niya kung paano manatili. Ganoon. Naalala ko tuloy iyung linya ni Gluck "it paralyzes movement." Isang sobrang linis na silid ang ibig niyang sabihin ngunit sa parehong mga salita naiisip ko: yes, it paralyzes movement. What it is? Hindi ako masyadong sigurado. Pero siguro, iyon din ang parehong puwersa na nagtutulak sa mga ibon na dumapo.
* *
Gusto ko sanang itanong minsan sa kaklase kong iyon, kung hindi ba nangyayari sa kaniya na may mga kaibigan siyang totoong maraming-marami siyang utang na kuwento. O isang tao na maraming-maraming siiyang kailangang sabihin, pero kapag nandyan na, nawawala na rin iyung pangangailangan. Basta, naroon at ano pa bang kailangan?

0 Comments:
Post a Comment
<< Home