dito-rito
like a flower to a tree that's how close i wanna be.. Paulit-ulit kinakanta ito ng nasa kabilang table. Ilang beses na akong muntik matuluyan sa pag-idlip (inantok ako sa pagkanta niya o pagod lang talaga ako?). Pagtila ng ulan at habang naglalakad papunta sa klase, tinanong ko si tabby: How close is a flower to a tree?
* *
Noong isang araw ko na lang uli nabuksan ang payong ko. Hindi naman kasi ako inaabutan ng ulan. Lagi, bumubuhos ito kapag may klase ako at halos kasabay natatapos. Paglabas, inaabutan ko na lang na basa ang daan.
Ayoko rin namang mabasa ng ulan dito. Pero may naaalala ako rito. Dati, hinahabol ko ang ulan. Natutuwa kasi akong hindi nagdudulot ng sakit sa ulo (o ng sakit mismo) ang ulan. Siguro, doon lang iyon. Naalala kong binibiro ang ilang kasama dati na "may hiwaga" ang ulan sa lugar na iyon. Siyempre, sa malas, malimit ko ring hindi abutan. Workshop iyon ng Malate. Habang pinag-uusapan ang tula/kuwento, naroon kami sa may kiosk. Umuulan. Pagkatapos ng workshop, tapos na rin ang ulan.
Kung kailan maaari nang lumabas.. hay, malas!

0 Comments:
Post a Comment
<< Home