Missed
Kahapon lang uli ako pumunta ng LIRA. Nakasabay ko pa sila dai at wasi sa jeep papuntang UP. Pagkatapos ng palihan--at habang naglalakad kami papuntang SC--sinabi sa akin ni dai na nagtampo raw dati si jay. Kasalanan ko naman talaga. Matagal na iyon. Nakita namin siya habang naglalakad sa UP (kasama ko noon si dai at si egay). Kinumusta ko lang siya. Tapos, naglakad na.
"Tingnan mo iyon. Sasabihin niya nami-miss niya ko tapos maglalakad naman palayo."
Guilty talaga ako. Pero anong magagawa ko kung kailangan ko nang maglakad palayo (?) nang hindi naman talaga sinasadya. Madaling sabihing babawi na lang ako sa susunod. Kung nalaman kung lang sana kung kailan pa 'yung susunod--napakatagal. Siguro, hindi na ako naglakad palayo.
Although, bangag rin kasi ako nun kaya hindi ko alam. Baka rin hindi :) Naglakad lang ako. Hindi naman ibig sabihin nun hindi ko na pinahahalagahan ang mukhang nilalayuan.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home