Wednesday, August 04, 2004

Sa Likod

May takot sa tuwing haharapin ko siya. Kaya lagi, si tabby ang kinukulit kong makipagharap sa aming dalawa. Hindi ako sigurado kung bakit. Basta, isang hindi maintindihang takot (teka, may takot bang naiintindihan?).

Lagi, parang may hinahanap siya sa tabi ko o di kaya'y sa likod ko. Kaya tatandaan ko iyung kanina--na sa harap ng maraming pagkukulang ko at mga bagay na ipinagkukunwari niyang hindi niya alam--parang hindi na siya nakulangang anino ko lang ang nasa likod ko.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home