Monday, August 30, 2004

Blue Moon

Ngayon. Kasama ko si ola. Hindi ko kailangang magmadali. At halos wala akong binago sa sarili (hindi ko binilisan ang lakad, pinilit ngumiti, tumawa, o magsalita). Wala akong pinilit. Natural lahat. Ako ako. Nakakatuwa. May nakita nga kaming bracelet kanina. Hindi ako mahilig sa bracelets. At sa kasamaang palad, lagi akong binibigyan nito. Hindi ko ginagamit ang mga iyon. Gamitin ko man, dahil lang makikita ko ang nagbigay at tiyak na hahanapin sa akin iyon.

Pero kanina, binilhan ko ang sarili ng bracelet. Hindi ko siya dapat bibilhin. Kaya lang... (wait, do i really need to justify it?)

Siguro, ayoko iyung may nakasabit (?)--na parang nakaposas sa akin. Hindi ako nagsusuot ng relo. It was a relief na halos pareho kami ng pakikitungo o trato ni ola sa oras at hindi ko kailangang humingi ng paumanhin sa kaniya kanina (10 mins. akong late sa usapan). Halos sabay lang kaming dumating (isa pa, hindi niya ikagagalit kung kailangan niya akong hintayin). I'm grateful for it--na hindi nagiging kasalanang hintayin ako.

**

Ano ba naman iyung maghintay?

Noong lecture ni fidel rillo sa up, hindi na dapat ako pupunta. Masyado akong nalulungkot noon, halos hindi ako makagalaw. 730 ako gumising, handa na ako 830 pa lang. 930 ako umalis, 10am dumating. Iniisip ko ngayon kung kailangan ba talagang dumating ako noon. Kailangan ba talagang pilitin kong dumating? Hindi lang naman noon nangyari iyon. Ewan ko ba, minsan hirap talaga akong gumalaw (which is not to say i'm being still).

3 Comments:

At 11:27 AM, Blogger ola said...

ano ba naman ang maghintay sa isang kaibigan.
thanx nikka. :) hindi mo naman tlga kailangan magbago. at bat ka nman magbabago, para lang sa isang tao... (unless its for the better.)

At 1:56 PM, Blogger nikka said...

ah, that's not what i meant. :)

reaction lang ito sa reaction ng ilan sa kabagalan ko.

At 1:57 PM, Blogger nikka said...

ah, that's not what i meant. :)

reaction lang ito sa reaction ng ilan sa kabagalan ko.

Post a Comment

<< Home