Monday, August 16, 2004

Absence

Hinahanap na 'ko ng inersci teacher ko. MF ang klase ko sa kaniya at iyon lang ang klase ko sa mga araw na iyon. Teacher ko na siya dati. At wala naman halos nagbago--nasasayangan pa rin ako tuwing papasok sa klase niya.

Siya ang nagsulat ng textbook na ginagamit sa class. At alam na alam niya ang mga isinulat niya sa libro. Ang kaso, tuwing klase niya, iyung nasa libro lang rin ang itinuturo niya. Wala gaanong bago.

Iyon lang ang klase ko tuwing MF. Tuwing papasok ako, kailangan ko ng 1 oras para maghanda, 1 ½ hour ang biyahe (3 hours kung isasama ang biyahe pauwi), 1 oras ang klase. 5 oras ang nawawala sa akin. At isang oras pa uli dahil kailangan kong magpapahinga ako pagdating sa bahay; pagod pagkatapos bumiyahe. 6 na oras lahat-lahat. Noong una, pumapasok pa ako lagi. Hanggang sa dumalang at nitong nakaraang 2 linggo, hindi na niya talaga ako nakita sa klase. Nasa bahay ako't nag-aaral para sa compre. At kinukulit niya lagi ang kapatid ko (kaklase ko kasi siya) kung nasaan ako.

Kahit na alam kong dapat nasa klase ako (kaya niya ako hinahanap), ikinaiinis ko iyon. Alam niyang maaari akong lumiban sa klase. Hindi niya ako maaaring ibagsak dahil doon. Hindi ako masamang estudyante. Papasok ako kung magaling siyang teacher. Kung uulitin lang niya lahat ng nasa libro at halos hindi magdaragdag ng impormasyon, hindi talaga ako papasok (maliban kung may test, at dahil activity-ban week na, malabo na iyon). At babasahin na lang ang libro. Ilang oras lang ba ang kailangan para basahin ang libro niya? Manipis lang iyon, kaya ng 3-4 na oras. 6 na oras ang nawawala sa akin para sa isang chapter na "ididiscuss" niya.

Hindi ko tinatanggap iyon--na parang iniinsulto ko siya kapag wala ako sa klase. Gusto kong sabihin, iniinsulto niya ako tuwing papasok sa klase niya. At naiinsulto ako na ginagawa niya ito. May mga taong allowed mag-absent. Why question it? Privilege nila iyon: to choose to be or not to be there. Naiinis ako na hindi niya iginagalang na malaya akong mamili.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home