Re: Paliwanag
Marami akong kailangang tapusin ngayong linggo. Totoong nakakagulat malaman na sa august 8 at 14 na ang compre. Hindi pa ako nag-aaral para doon. Sa theory talaga ako may problema. Hindi naman kasi ako naniniwala doon. At hindi ko rin alam kung bakit 4.0 kami lahat noon sa CRITICS. Wala naman talagang nakaintindi sa mga lessons.
Kailangan ko nang umpisahan ang pinaghandaan ko noon. Handa na ba 'ko? Nauubusan na ako ng oras. Basta, bago matapos ang linggo dapat tapos ko na iyon. Marami na akong sinayang na panahon. Lagi ko na lang ipinagpapaliban iyon. Nakakahiya na talaga. Isa pa, nasindihan ako ng ilaw noong sabado (hindi ako mapamahiing tao pero noon lang nangyari iyon--). Akala ko talaga, may mamamatay (uli) sa pagdaan ko.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home