Thursday, July 29, 2004

Crash Course

Nitong linggo, dahil naaliw ako sa pagbabasa (at halos nakalimot nang nagrereview pala ako) tungkol sa phil lit, sabi ko, itutuloy ko na.  Kaya kahapon, nagbasa na rin ako kaunti tungkol sa world lit--may mga pinaphotocopy ako sa lib at binasa ko rin 'yung Critical Tradition [1st half] na pinahiram ni egay--kahit may usapan kami ni tabby na siya na ang gagawa ng reviewer para doon.  Kaya hindi ko masisi ang sarili kung medyo nahihilo ako ngayon.  Hindi ko naman mapigilan ang sarili kahapon (o kahit noong isang linggo pa).  Maraming hindi naituro sa amin.  Nakakalungkot ang dami.  Habang nagbabasa, damang-dama ko kung gaano ako nalugi sa halos lahat ng klaseng pinasukan ko. 

Mas maigi pala ito--na magbasa mag-isa.  Mas marami akong nalalaman.  Isa pa, naroon talaga ang "sense of wonder" habang nalalaman ang mga bagay-bagay sa mga taong alam kung anong sinasabi nila.  Kaya siguro hindi ko rin napigilang magpaphotocopy ng ilang chapters sa isang librong hindi ko mahiram dahil 6 na ang librong nakataya sa ID ko ngayon (pero 5 doon, na kay tabby).  At kahit medyo nalungkot--or rather, offended--sa ginawa kong pagpapaphotocopy si tabby.  Is it not enough? (na siya ang gumagawa ng reviewer, ang ibig niyang sabihin) 

When is it enough?  Gusto ko sanang mamangha rin sa pagbabasa ng world lit (hanggang medieval lang naman).  Alam kong hindi ako matatapos sa pagbabasa.  Kahapon, hanggang neoclassicists lang ako.  Pero kailangan kong maramdaman.  Iyon lang--at kanina, hindi naman sa pinagsisisihan ko, pero hindi naman pala masayang pakiramdam iyon--kahit totoong nakakatuwa rin sa isang banda.  Alam kong hindi na lang para sa compre ito.  Kung tutuusin, piling-pili ang mga kailangang basahin para pumasa.  May mga bagay na kailangang malaman muna bago masabi sa sariling handa na ako para sa compre.  Nakakahiyang ang dami-dami nilang hinarap ko noong nakaraang linggo.  Wala pa siguro iyon sa kalahati ng dapat kong malaman.  Hindi na lang sa pagpasa ito.  Tingin ko, higit para sa sarili. 

At katulad ng sinabi ko kay ayer kahapon, mabuti na rin itong may compre.  Napipilitan lang sa una pero sa kaso ko, at ni tabby rin, nakabuti naman sa huli (o sa gitna, dahil hindi pa naman tapos ang compre).  At natutuwa ako rito.  Gusto ko sanang laging magkaoras (o mapilitang maghanap ng oras) para magbasa at mamangha nang ganito.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home