Friday, July 30, 2004

about the walk

Hindi ko siguro dapat sinusulat ito.  Pero sige na rin.  I'm not thinking of anyone in particular.  I guess, bangag pa rin from reading (kakatapos lang ng test ko sa inersci). 

How should I feel about the walk?  Natigilan ako sa tanong na ito kanina.  Wala akong dagling maisagot.  I don't know.  I guess, just feel it.  Kapag naglalakad ako, hindi ko naman iniisip kung ano dapat ang nararamdaman ko.  Sapat na iyon--na may nararamdaman ako.  Or i guess, masyado sigurong personal ang lakad--parang pagbabasa.  It's a different experience altogether kahit sabihing pareho ng taste or ng opinion (?)  

Here:  naramdaman ba 'yung pag/lakad?  If so, that itself is an experience.  Hindi laging mahalaga kung may narating.  Sa akin kapag nagbabasa--o naglalakad--gusto ko iyung experience.  Halos hindi na mahalaga kung may insight (sa binasa) o may narating (sa paglalakad).  Ang gusto ko talaga iyung lakad--halos lagi, iyon lang.  Minsan, sinasadya kong piliin ang mas mahabang daan (lagi--sige, samahan na kitang maglakad; gusto ko lang maglakad; masarap maglakad; masarap gumalaw; walking as art--). 

About distance--and at the same time, distant din ba ang reader o nadadama ang isang hindi naman maaari/mawari?                                Was it a matter then, of too much space? 


0 Comments:

Post a Comment

<< Home